Faried, Green darating sa bansa para sa NBA 3X Philippines

MANILA, Philippines - Darating sa bansa sina Kenneth Faried ng Denver Nuggets at Danny Green ng San Antonio Spurs bago matapos ang buwang kasalukuyan para makibahagi sa NBA 3X Philippines 2015 sa SM MOA Activity Center sa Pasay City.

Makakasama nina Faried, tinaguriang “The Manimal” sa NBA at Green, may malaking bahagi sa kampanya ng Spurs noong nakaraang taon, si Franklin, ang mascot ng Philadelphia 76ers at dance team ng reigning NBA champions na Golden State Warriors,  sa dalawang araw na event na nakatakda sa Aug. 28-30.

Ayon kay NBA Asia Philippine country ma-nager Carlo Singson, ang event na ito ay naglala-yong iparamdam ang NBA experience sa mga Pinoy na mahihilig sa basketball kabilang na ang NBA.

Magsasagawa rin ang  NBA 3X Philippines 2015 ng 3-on-3 basketball competition na may side events tulad ng slam dunk contest, three-point shootout, skills challenge at autograph session kina Faried, Green, Franklin at Golden State Warriors dance team.

Ang 3-on-3 event na may mga laro din sa Phl International Convention Center bilang secondary venue ay may iba’t ibang dibisyon na boys’ under-18, under-16, under-13, girls’ under-16 plus, men’s bukod pa sa women’s open categories.

Magkakaroon din ng Celebrity Division.

Ang registration na first-come, first-serve basis ay  on-going hanggang Aug. 16 sa www.nba3x.com/philippines.

 

Show comments