UP vs UE sa UAAP opening

MANILA, Philippines – Kaagad na lalabanan ng host University of the Philippines Fighting Maroons ang Red Warriors ng University of the East sa Setyembre 5 sa pagsisimula ng 78th UAAP season.

Ayon sa broadcast partner na ABS-CBN Sports ng UAAP, magsasagupa ang Maroons at ang Red Warriors sa ganap na alas-2 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum matapos ang opening rites sa alauna.

Maghaharap naman ang University of Santo Tomas Tigers at ang Adamson Falcons sa alas-4 ng hapon.

Nanggaling ang Maroons sa paghahari sa nakaraang Filsports Basketball Association (FBA) noong nakaraang buwan at umaasang madadala nila ito sa dara-ting na UAAP season.

Ipaparada ng Di-liman-based team ang kanilang bagong head coach at ilang bagong players.

Sa Setyembre 6 ay bubuksan naman ng National University Bulldogs ang kanilang pagdedepensa sa korona laban sa De La Salle Green Archers sa Mall of Asia Arena.

Makakatapat ng Bulldogs ang Green Archers sa alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Far Eastern U Tamaraws at Ateneo Blue Eagles sa alas-4.

Dahil sa bagong academic calendars ng mga member schools ay napuwersa ang UAAP na iatras ng dalawang buwan ang season.

Show comments