Nakukulangan si coach Tim sa Ginebra
MANILA, Philippines - Aasahan ng Barangay Ginebra sina seven-foot center Greg Slaughter, 6’8 forward Japeth Aguilar, point guard LA Tenorio at sina one-time PBA Most Valuable Player Jayjay Helterbrand at Mark Caguiao.
Ngunit may hina-hanap pang kakulangan ang bagong head coach na si Tim Cone sa Gin Kings.
“There has to be ba-lance,” wika kahapon ng two-time PBA Grand Slam champion coach sa Ginebra. “Ginebra has a strong lineup. But I find it a little unbalanced.”
Sa naturang pahayag ni Cone, iniwan ang Star, asahan nang magkakaroon ng balasahan sa kampo ng Gin Kings sa mga susunod na araw.
“There has to be a better balance. Maybe one or two conferences you have to figure out who you want in the team,” wika ng 57-anyos na si Cone, may hawak ng pinakamaraming titulo sa hanay ng mga PBA coaches sa bilang na 18.
Huling nagkampeon ang Ginebra noong 2008 PBA Fiesta Cup sa ilalim ni dating mentor Jong Uichico kung kailan hinirang si Helterbrand bilang PBA MVP.
Sinabi ni Cone na huwag munang umasa ng kampeonato ang mga fans ng crowd favorites sa darating na 41st season ng liga.
Matindi na ang opensa ng Gin Kings, kaya ang matinding depensa naman ang kakaila-nganin ni Cone.
“If you get the guys to buy in defensively, then we’re going to do something good,” wika ni Cone, nagbigay ng limang korona para sa Purefoods/San Mig Coffee, na inaasahang gagamitin ang kanyang pamatay na ‘triangle offense’. “It’s always a process to get that buy-in going with the players.”
Gamit ang natu-rang opensa ay inihatid ni Cone ang Alaska at San Mig Coffee sa PBA Grand Slam noong 1996 at 2013 PBA season.
Papalit naman kay Cone sa bench ng Hotshots ang dati niyang assistant na si Jason Webb.
- Latest