^

PM Sports

Hapee kinuha ang 10th win laban sa Jumbo Plastic

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napanatili ng Hapee Fresh Fighters ang winning streak, habang nanatiling buhay ang paghahabol ng Bread Story-LPU Pirates sa upuan sa quarterfinals sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Tulad ng dapat asahan, hindi nakaporma sa Fresh Fighters ang Jumbo Plastic Giants, 82-56, para sa ka­nilang ika-10 sunod na panalo at solohin pansamantala ang liderato.

May double-double na 21 puntos at 12 rebounds si Bobby Ray Parks Jr., habang ang nagbabalik mula sa bakasyon na si Ola Adeogun ay may 11 puntos para pangunahan ang tropa ni coach Ronnie Magsanoc.

Ito ang ikaapat na pagkatalo sa 10 laro ng Giants pa­­ra mabigo ang plano na upuan ang ikaapat na puwesto at mahalagang ‘twice-to-beat’ advantage.

Sa kabilang banda, naagaw naman ng Pirates ang mahalagang ikaanim na puwesto mula sa pahingang Tanduay Light Rhum Masters matapos kunin ang 104-85 pagdurog sa MP Hotel Warriors.

Sa unang laro, tinapos ng Racal Motors Alibaba ang tatlong sunod na pagkatalo mula sa 94-92 panalo sa MJM M-Builders.

BOBBY RAY PARKS JR.

BREAD STORY

D-LEAGUE ASPIRANT

FRESH FIGHTERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

HOTEL WARRIORS

JUMBO PLASTIC GIANTS

OLA ADEOGUN

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with