May humamon kay Donaire
(Pang-masa) - October 10, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang bagong world featherweight champion ang nais magkaroon ng unification bout laban kay WBA featherweight titlist Nonito Donaire Jr.

Sa statement na inilagay sa website ng World Boxing Council, sinabi ni veteran Jhonny Gonzalez ng Mexico ang kanyang intensiyong labanan si Donaire.

“I would like to fight [Donaire],” ani Gonzalez  na may 57-8 win-loss record kabilang ang 48 KOs.

Nakopo ni Gonzalez ang WBC featherweight title noong October 4 sa pamamagitan ng 11th round technical knockout win kontra sa kababayang si Jorge Arce, natalo na rin kay Donaire via knockout noong 2012.

Kilala ang Gonzalez sa kanyang 2007 na laban kontra sa Filipino great na si Gerry Peñalosa na nagpatumba sa kanya sa seventh round para kunin ang kanyang WBO bantamweight crown.

Ngunit nakabangon na ang Mexican boxer at noong Sabado  ay nagawa niyang pabagsakin si Arce sa kanilang laban sa Los Mochis, upang maging world titlist uli.

Sa panig ni Donaire, haharapin niya sa October 18 ang kapwa niya champion  na si Nicholas Walters, may hawak ng “regular” version ng WBA featherweight diadem. Maghaharap ang dalawa sa StubHub Center sa Carson, California.

Matagal nang naghahanap ang Filipino-American fighter ng unification fight sapul nang talunin niya si Simpiwe Vetyeka sa Macau noong May.

Malaki ang posibilidad na mangyari ang laban kontra kay   Gonzales likely kung mananalo ito kay Walters.

 

DONAIRE GERRY PE GONZALEZ JHONNY GONZALEZ JORGE ARCE LOS MOCHIS NICHOLAS WALTERS NONITO DONAIRE JR. SIMPIWE VETYEKA WORLD BOXING COUNCIL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with