... Sembrano isinugod sa ospital

INCHEON, South Korea – Isinugod ang taekwondo jin na si Benjamin Keith Sembrano sa Jan Chok Medical Hospital sa labas ng Athlete’s Village ng 17th Asian Games kahapon matapos makaramdam ng ma-tinding paninikip ng dibdib.

Nagpunta si Sembrano sa  clinic ng Philippine team pagkatapos ng almusal at inireklamo niya na nahihirapan siyang huminga.

Agad na inasikaso ang pambato sa -68kg division ni Philippine Sports Commission (PSC) nurse Ellen Constantino at inalertuhan si Phl team doctor Ferdinand Brawner na nagmadaling umalis sa venue ng sailing matapos malaman ang  kondisyon ni Sembrano.

Dinatnan ni Brawner sa isang clinic si Sembrano para sa emergency check up bago dinala sa ospital para sa ilang test. Lumabas na normal ang lahat ng test ni Sembrano at nakabalik din sa Athletes Village  para sa pananghalian ngunit pinagpahinga na lang ito kahapon at binantayan ng Phl medical team para siguruhing okay na ito bago makapag-training para sa kanyang laban.

Show comments