Magsanoc kinuhang coach ng Hapee sa PBA D-League

MANILA, Philippines - Para maging masaya at matagumpay ang pagba-balik ng Hapee Toothpaste, itinalaga nila si dating PBA star Ronnie Magsanoc bilang kanilang  head coach para sa nalalapit na pagbubukas ng PBA D-League.

“We’re happy that Mr. Magsanoc has accepted the challenge to handle the team. Being one of the best minds in amateur basketball, we are proud to have him in the team,” sabi ni Hapee Toothpaste owner Dr. Cecilio Pedro.

Sa kanyang karanasan sa PBA bilang matagal nang assistant ni Ryan Gregorio mula pa sa  Purefoods  na ngayon ay San Mig Super Coffee na bago lumipat sa Meralco, inaasahang magiging maganda ang ipapakita ng Hapee matapos mawala ng limang taon sa amateur league.

Gagamitin ng Hapee ang franchise ng NLEX na umakyat na sa PBA matapos manalo ng anim na komperensiya sa D-League sa huling apat na taon.

Isa sa dahilan kung bakit tinanggap ni Magsanoc ang trabaho ay dahil makakasama niya uli ang ilan sa dati niyang San Beda College players.

Inihatid niya ang Red Lions sa NCAA championship dalawang taon na ang nakakaraan na first time niyang humawak ng  team bilang head coach.

 

Show comments