Wizards desididong panatilihin sa team si Miller

WASHINGTON – Pananatilihin ng Washington Wizards sa team si Andre Miller ng isa pang season.

Sinabi ng agent ni Andy Miller nitong Sabado na opisyal siyang inabisuhan ng Wizards na gagarantiyahan ng team ang contract ng veteran guard na $4.6 million sa 2014-15.

Ang 38-gulang na si Miller ay nakuha mula sa Denver Nuggets sa isang trade-deadline deal noong February.

Napunan niya agad ang matagal nang kakulangan ng team ng maasahang point guard sa likod ni John Wall, sa pag-a-average ng 3.8 points at 3.5 assists sa 28 games nang pumasok ang Wizards sa playoffs sa unang pagkakataon sapul noong 2008.

Show comments