Texters sigurado na sa quarterfinals

MANILA, Philippines - Kumolekta si balik-import Paul Harris ng 37 points, 14 rebounds at 4 assists upang pangunahan ang Talk ‘N Text sa pagsikwat sa unang quarterfinals seat sa bisa ng 97-82 panalo laban sa Globalport sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mula sa malamyang panimula ay nag-init ang Tropang Texters sa se-cond half para dumiretso sa kanilang ikaapat na sunod na panalo at angkinin ang liderato.

“We struggled a lot in the first half,” sabi ni coach Norman Black. “Our defense was the key in the second half that’s why we’re able to pull away.”

Tuluyan nang sinelyuhan  ng Talk ‘N Text ang kanilang panalo sa Globalport matapos iposte ang 93-80 kalamangan sa huling 1:29 minuto.

Binanderahan ni import Dior Lowhorn ang Batang Pier sa kanyang 22 markers at 10 boards, habang may 17 points si Alex Cabagnot at 11 si Eric Menk.

Samantala, tatargetin ng San Miguel Beer ang isang quarterfinals seat sa pagharap sa Meralco ngayong alas-5 ng hapon sa Xavier Gym sa Caga-yan De Oro City.

 

TALK N’ TEXT 97 - Harris 37, Castro 14, De Ocampo 13, Fonacier 7, Reyes Ryan 7, Alapag 5, Williams 4, Canaleta 4, Seigle 2, Reyes Jai 2, Baclao 2, Aban 0, Carey 0.

GLOBALPORT 82 - Lowhorn 22, Cabagnot 17, Menk 11, Yee 8, Romeo 8, Buenafe 5, Lingganay 4, Hayes 3, Ponferada 2, Macapagal 2, Salvador 0, Acuna 0.

Quarterscores: 23-23, 41-39, 69-63, 97-82.

Show comments