George pinagmulta ng $25K sa kanyang mga comments

NEW YORK -- Pinagmulta ng NBA si India-na Pacers forward Paul George ng $25,000 nitong Martes dahil sa kanyang pagbatikos sa  officiating sa Eastern Conference finals sa kanilang pagkatalo sa Game 4 kontra sa Miami.

Sinabi ni Rod Thorn, ang president ng basketball operations na binitawan ni George ang kanyang mga komento sa postgame news conference matapos ang kanilang 102-90 pagkatalo sa Heat nitong Lunes.

Ang Miami ay 30-of-34 mula sa foul line sa game. Ang Indiana ay 11-of-17.

Sinabi ni George na hindi talaga mahahabol ng kanyang team  ang 20-point  na kalamangan ng Miami dahil napakaraming foul calls. Aniya,  nanalo ang  Miami sa free-throw line.

Lamang ngayon ang Miami sa series sa 3-1 at makakausad sila sa NBA Finals sa ikaapat na sunod na pagkakataon kung mananalo sila sa Indiana nitong Miyerkules.

Show comments