^

PM Sports

Blackwater, 4 teams pa magpapalakas

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palakasin ang kapit sa puwesto ang gagawin ng lima sa anim na koponan na maglalaro ngayon sa PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Ang nagdedepensang kampeon na Blackwater Sports ay mapapalaban sa Boracay Rum Waves sa unang laro sa ganap na ika-10 ng umaga bago sundan ng pagtutuos ng Café France Bakers at Cagayan Valley Rising Suns dakong alas-12 at ang huling labanan ay sa pagitan ng Hog’s Breath Café Razorbacks at Derulo Accelero Oilers dakong alas-2 ng hapon.

Tanging ang Oilers lamang ang talsik na sa kompetisyon pero hindi masasabing madaling laro ang haharapin ng Razorbacks dahil respeto pa rin ang habol ng Derulo Accelero na humirit  ng 77-76 unang panalo sa Big Chill Superchargers.

Sa kasalukuyan ay nasa solong ikaapat na puwesto ang nagdedepensang kampeon na Elite at kailangan nilang manalo para maging palaban pa sa awtomatikong puwesto na tutulak na sa semifinals.

Ang NLEX Road Warrios pa lamang ang nakapasok na sa quarterfinals sa 7-0 karta at inaasahang makukuha nila ang una sa dalawang puwesto na didiretso na sa Final Four.

“Hindi namin tinitignan ang sitwasyon para  hindi magkaroon ng dagdag pressure sa amin. Ang mahalaga ay magkaroon kami ng magandang laro,” wika ni Elite coach Leo Isaac.

Ang Waves ay mayroong 3-4 karta at kasalo sa ikalima hanggang ikapitong puwesto kasama ang Rising Suns at pahingang Superchargers.

“We need to rediscover our form. That is my main concern. If we can do that, I think we will  have better chances of advancing into the next round,” wika ni Waves coach Lawrence Chongson.

Si Chris Banchero ang mangunguna sa Waves pero kailangan niya ang suporta ng ibang kakampi para makuha ang mahalagang panalo. 

 

vuukle comment

ANG WAVES

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM WAVES

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO

DERULO ACCELERO OILERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with