Bobcats kumpiyansa sa game 3 kontra sa Heat

CHARLOTTE, N.C. -- Nakakuha na ng respeto ang Charlotte Bobcats sa NBA matapos pahirapan ang two-time defending champion Miami Heat.

“I think we know that we can challenge these guys and win,” sabi ni Bobcats point guard Kemba Walker sa Heat. “We’re still confident as a team.”

Ngunit isang mahirap na trabaho pa rin ang talunin ang Heat sa isang laro lalo na sa best-of-seven series.

Nahulog ang Bobcats sa 0-2 sa kanilang serye ng Heat.

May tsansa ang Bobcats na makabawi sa Heat sa Game Three sa Charlotte.

Lumamang ang Charlotte sa kaagahan ng laro sa Game 1 bago natalo sa Miami ng 11 points at isuko ang 0-1 agwat.

Nagkaroon ang Bobcats ng pagkakataong ma­kapuwersa ng overtime sa Game 2 ngunit nakaagaw ng bola si Dwyane Wade para selyuhan ang ika-18 sunod na panalo ng Heat sa Charlotte.

Naglaro ang Bobcats kahit na iniinda ni star center Al Jefferson ang strained plantar fascia sa kanyang ka­liwang paa sapul pa sa first quarter ng Game 1.

Show comments