Cristobal hinirang na Commissioner para sa 90th season ng NCAA

MANILA, Philippines - Hinirang ng Jose Rizal University si champion coach Arturo Cristobal bilang basketball commissioner para sa kanilang pa­­mamahala sa darating na 90th NCAA season.

Ito ang inihayag ng Jo­se Rizal matapos ipasa ng College St. Benilde ang hosting ng NCAA ka­hapon sa St. Benilde Hotel yesterday.

“Arturo ‘Bai’ Cristo­bal has been appointed as the commissioner of Season 90,” wika ni Jose Rizal president Dr. Vince Fabella, pumalit kay Bro. Denis Magbanua, FSC, ng St. Benilde bilang league presidency at chairman ng Policy Board.

Si Cristobal ay isang da­ting PBA player na nag­hatid ng dalawang ko­rona para sa San Sebastian Stags noong 2001 at 2002.

Magbubukas ang torneo sa Hunyo 28 at may temang ‘Today’s Heroes, Tomorrow’s Legends. NCAA Season @90: We Make History.’

Kaugnay sa format, sinabi ni Fabella na walang ma­ba­bago sa ka­bila ng ka­­­gustuhan ng ilan na pai­ikliin ang iskedyul.

Show comments