6/42 Lotto bobolahin din May palarin kaya sa 6/55 draw ngayon?

MANILA, Philippines - Noon pang Enero 20 nang huling may nanalo sa 6/55 Grand Lotto draw.

Kung masusundan na ito ay malalaman sa gabing ito matapos ang gagawing lotto draw.

Umabot na sa P173,900,189.00 ang premyong hindi pa tinatamaan nang walang suwertehin sa lumabas na kumbinasyon na 18, 53, 38, 9, 14 at 23  noong Miyerkules ng gabi.

Tiyak na mahabang pila uli ang makikita sa mga lotto outlets nationwide para magkaroon ng tsansang maiuwi ang pinakamalaking jackpot prize na pinaglabanan sa taong ito.

Ang naunang pinakamalaking premyo na naiuwi ng isang masuwert­eng tumatangkilik sa taong 2014 ay P155,401,636.00 noong Enero 20.

Isasabay sa bobolahin ngayong gabi ay sa 6/42 at hindi malayong pumalo sa P15M ang premyong itataya rito.

Lumusot ang P13,718,904.00 jackpot prize na nakataya noong Marso 27 nang walang nakahagip ng anim na numerong binola na 12, 27, 34, 41, 31 at 5.

Hinahanap ang pangat­long milyonaryo sa 6/42 sa buwan ng Marso kung palarin na tamaan ang pinaglalabanang premyo.

Noong Marso 13 may sinuwerte nang tamaan ng isang manana­ya ang P50,677,708.00 jackpot  at gumulong ang suwerte sa sumunod na draw noong Marso 15 nang nasapul ang minimum jackpot prize na P6 milyon.

Show comments