Kang, Liang nagkampeon sa Mitsubishi International netfest

MANILA, Philippines - Umiskor si Kang Ku Keon ng South Korea ng isang 6-3, 6-4 panalo para talunin si Rhett Purcell ng Great Britain at kunin ang korona sa boys division ng 25th Mitsubishi International Juniors Tennis Cham­pionships kahapon sa Rizal Tennis Center.

Ginamit ni Kang, ang No. 3 player sa torneo at su­mibak kay top pick Harry Bourchier ng Great Bri­tain, 7-5(5), 6-3, sa semifinals, ang kanyang solidong baseline game para gibain si Purcell.

Nauna nang nagkampeon ang 17-anyos na si Kang sa 2013 Mian Chiang Cup sa Kiaoshung, Chinese Taipei.

Sa girls’ play, pinayukod naman ni No. 14 Gloria Liang ng Canada si No. 3 Kimberly Birrell ng Australia, 6-2, 7-5, para sa kanyang unang titulo.

Bago makapasok sa finals ay tinalo muna ng 17-anyos na si Liang si No. 2 Greetje Minnen ng Belgium, 7-6 (6), 6-4, sa semis.

Natalo si Liang sa finals ng nakaraang Under-18 Grade 2 Canadian Championship sa Montreal, Ca­nada.

 

Show comments