^

PM Sports

Slum Shot inungusan sa meta ang dalawang katunggali

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa kabayong Slum Shot nang naunang ilusot ang ulo sa meta para daigin ang da­lawang katunggali sa huling karera sa buwan ng Peb­rero noong Biyernes sa Metro Turf sa Malvar, Ba­tangas.

Si Jeff Bacaycay ang dumiskarte sa Slum Shot na na­unang nalagay sa malayong pang-apat na puwesto sa hanay ng 11 kabayo na naglaban.

Ang Jade And Diamond, Bay Area Babe at Dan­cing Dolphin ang mga maagang nagsukatan sa 1,000-metro Class Division 1C karera pero nag­pa­pakon­disyon lamang pala sa likod ang Slum Shot.

Sa huling 250-metro ng karera umunit na ang ka­bayo ni Bacaycay na kanyang nailusot ang kabayo sa pagitan ng tatlong katunggali na nasa unahan.

Pinalad na may lakas pa ito para higitan ang takbo ng Jade And Diamond ni NK Calingasan at Bay Area Babe ni JPA Guce para makuha ang hindi inaasahang pa­nalo.

Nasiyahan ang mga de­hadista sa panalo ng Slum Shot dahil nakapagpasok ito ng dibidendong P91.50 sa win, habang ang 9-2 forecast ay nag­hatid pa ng P542.00.

Pero ang long shot na ka­bayo sa gabi ay ang Ma­ma Pls Don’t Cry na ha­wak ni Kevin Abobo at tu­makbo sa  Class Division 2 race.

Kinargahan ni Abobo ang sakay na kabayo sa rekta para maabutan ang Saint Tropez.

Humarurot din ang Tiger Zap ni JB Guce para kunin pa ang ikatlong puwesto sa Saint Tropez na naglakad na patungo sa meta.

Kumabig ang mga na­nalig sa Mama Pls Don’t Cry ng P101.00 sa win at P224.50 ang ibinigay sa 5-4 forecast.  

 

vuukle comment

ANG JADE AND DIAMOND

BAY AREA BABE

CLASS DIVISION

GUCE

JADE AND DIAMOND

KEVIN ABOBO

SAINT TROPEZ

SHY

SLUM SHOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with