Ginebra tinablahan ang San Mig sa 1-1

MANILA, Philippines - Nang kunin ng Barangay Ginebra ang isang 16-point lead sa first half ay hindi na nila nilingon ang San Mig Coffee.

Binawian ng Gin Kings ang Mixers sa Game Two, 93-64, sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Itinabla ng Ginebra sa 1-1 ang kanilang best-of-seven semifinals duel ng San Mig Coffee, inilusot ang 85-83 panalo sa Game One.

Matapos kunin ang 69-53 bentahe sa pagtatapos ng third period ay isang 8-0 atake ang ginawa ng Gin Kings para ibaon ang Mixers sa 77-53 bago ilista ang isang 27-point lead, 85-58 mula sa basket ni Billy Mamaril sa huling 3:27 ng fourth quarter.

Samantala, target ng Rain or Shine na maitayo ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang semis series ng Petron.

Bumangon mula 16 pun­tos na pagkakalubog sa first half ang Elasto Pain­ters bago tinuhog ang 103-94 panalo laban sa Boostersnoong Miyerkules at kunin ang 2-0 kalamangan sa serye.

Sa ganap na alas-3:30 ng hapon magsisimula ang tagisan at alam ni Rain or Shine coach Yeng Guaio na ang kahalagahan ng 3-0 bentahe para tu­mibay ang paghahabol ng puwesto sa championship round.

“This could be the big­gest game for us if we win. A 3-0 lead can be a back breaker,” wika ni Guiao na balak na kunin ang ika-limang titulo pero kauna-unahan sa All-Filipino Cup.

Sina Jeff Chan, Gabe Norwood at Paul Lee ay pa­tuloy na gumagawa pa­ra sa koponan ngunit na­roroon din ang tikas nina Ray­mund Al­mazan at Beau Bel­ga.

Sina Arwind Santos, Mar­­cio Lassiter at Alex Ca­bagnot ang mga dapat mag­dala sa Boosters pero kailangan nila na bumalik ang dating kinang ni June Mar Fajardo para makaisa sa serye. (ATan)

Ginebra 93 - Slaughter 21, Helterbrand 11, Tenorio 10, Mamaril 10, Reyes 8, Caguioa 8, Aguilar 7, Monfort 5, Ellis 4, Faundo 4, Baracael 3, Forrester 2, Ababou 0.

San Mig Coffee 64 - Simon 16, Pingris 15, Yap 14, Barroca 7, De Ocampo 3, Acuna 3, Mallari 3, Devance 2, Cawaling 1, Gaco 0, Sangalang 0, Melton 0, Holstein 0, Reavis 0.

Quarterscores: 24-19; 48-32; 69-53; 93-64.

Show comments