Amit hinirang na atletang kumabig ng pinakamalaking premyo sa SEAG
MANILA, Philippines - Hindi inakala ni RubiÂlen Amit na siya ang kikilaÂlanin bilang Pambansang atleta na may pinakamalaÂking insentibong naiuwi maÂtapos ang kampanya sa Myanmar SEA Games.
Nanalo si Amit ng ginto sa women’s 10-ball at pilak sa 9-ball upang maiuwi ang P100,000.00 at P50,000.00 insentibo na ibinigay noÂong Biyernes ng gabi sa isiÂnagawang Thanksgiving Mass na inorganisa ng PSC at POC sa Philsports Arena sa Pasig City.
“Nagulat nga ako nang nabasa ko sa mga newspapers na Amit biggest winner. Sabi ko talaga dahil alam ko ang ibang athletes daÂlawang gold medals ang napanalunan. I’m just really happy sa lahat ng blessings na natanggap ko last year,†wika ni Amit.
Sina Princess SupeÂral ng golf at Archand ChrisÂtian Bagsit ng athleÂtics ang mga natatanging double-gold medalist ng deÂlegasyon na nakuha sa inÂdividual at team events.
Pero dahil may kahaÂti sa team, sina Superal at Bagsit ay nag-uwi ng P133,333.00 at P125,000.00, ayon sa pagÂkakasunod.
Hindi nakita ni Amit na mangyayari ito lalo pa’t hinÂdi maganda ang resulta sa mga torneong sinalihan sa unang mga buwan ng 2013.
Nanalo lamang siya ng bronze medal sa Asian Indoor-Martial Arts Games at nagkaroon din lamang ng bronze medal sa Philippine National Games.
“Trying times ang siÂmula ko. Sa PNG, nag-bronze lang din ako kaya siÂnabi ko naku kailangang mag-double time. Ayon nakuha din sa dasal at binigyan ng blessing,†ani Amit na nagreyna sa 2013 World Women 10-ball.
- Latest