Pumanaw na si coach Dong Vergeire

MANILA, Philippines -  Sumakabilang-buhay na si dating national coach Dong Vergeire dahil sa sakit sa puso.

Iginiya ni Vergeire ang Philippine team sa gold me­dal sa 1997 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indo­nesia at nagbigay sa St. Benilde Blazers sa tanging NCAA crown noong 2000 tampok sina Sunday Salva­cion at Ron Capati.

Ang dating De La Salle Green Archer ay naging head coach din ng San Beda Red Lions na natalo sa nag­kampeong San Sebastian Stags sa 1996 at 1997 NCAA Finals.

Sina Louie Alas at Boysie Zamar ang ilan sa mga na­ging assistant ni Vergeire sa national team.

Si Alas ang umakay sa Philippine team sa gintong me­dalya sa SEA Games noong 1999 sa Brunei kasunod si Zamar noong 2001  sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naging bahagi si Vergeire ng coaching staff ni coach Aric del Rosario sa pamamayagpag ng Universi­ty Santo Tomas Tigers sa UAAP noong 1990s.

Show comments