Bryant, Howard first time magkikita sa Nov. 7?

MANILA, Philippines - Habang patuloy ang pagrerekober ni Kobe Bryant matapos mapunit ang kanyang Achilles tendon, may bali-balita na kung kailan sila maghaharap sa court ni Dwight Howard.

Ayon sa mga source, ang schedule ng paghaharap ng Los Angeles La-kers ni Bryant at Houston ni Howard ay sa  Nov. 7.

Inaasahang ilalabas ng NBA ang kanilang season schedule sa anumang araw ngunit nakalap ng Yahoo! Sports na ang unang pagkikita ng Lakers at Rockets ay mangyayayi sa unang linggo ng season sa Toyota Center sa Houston.

Pinaniniwalaang makakalaro na si Bryant bago magsimula ang season ngunit inaasahang matagal pa ang kanyang gagawing rehabilitation process mula sa injury na natamo niya noong kalagitnaan ng Abril kontra sa Golden State.

Iniwan ni Howard ang Lakers sa kaagahan ng July para pumirrma sa Houston ng four-year, $88 million maximum contract, at ang kanyang pag-iwan sa La-kers ay ikinasama ng loob ni Bryant.

Matapos i-trade ng Orlando si Howard sa La-kers noong nakaraang taon, hindi naging maganda ang kanyang isang buong season sa Lakers kaya nagdesisyon itong lumipat sa Rockets.

Show comments