‘Bai’ Elorde inangkin ang WBO Asia-Pacific crown

MANILA, Philippines - Inangkin ni Juan Martin ‘Bai’ Elorde ang bakanteng World Boxing Organization Asia Pacific super featherweight title matapos talunin si Maxsaisai Sithsaithong ng Thailand via unanimous decision kamakailan sa Sofitel Hotel grand ballroom sa Pasay City.

Ginawa ito ni Elorde sa idinaos na 13th Gabriel ‘Flash’ Elorde Boxing Awards na gumugunita sa kan­yang namayapang lolo.

Kabilang sa mga nanood ng laban ay ang asawa ni Elorde na si Laura at ang mga magulang ni Bai na sina Liza at Johnny.

Tumanggap si Elorde kina judges Salven Lagumbay at Greg Ortega ng magkatulad na 98-92 iskor, habang 97-93 naman ang nanggaling kay Gil Co.

Itinaas ni Elorde ang kanyang ring record sa 14-1-0 (6 KOs).

Bumaba naman ang marka ni Sithsaithong sa 12-3-0 (3 KOs).

“Malakas din sumuntok ‘yong Thai at medyo na­pagod din ako dahil first time kong lumaban sa 10 rounds,” sabi ni Elorde.

Nagawang saktan ng Thai sxa Elorde sa fifth at sixth rounds.

Show comments