Telfair sa Raptors, Haddadi sa Suns

PHOENIX – Na-trade ng Phoenix Suns si point guard Sebastian Telfair sa Toronto Raptors para kay center Hamed Haddadi kasama ang 2014 second-round draft pick.



Nawala kay Telfair ang pagiging backup kay Goran Dragic nang makipaghiwalay ang Suns kay coach Alvin Gentry at mas pinili ni interim coach Lindsey Hunter si rookie Kendall Marshall.

Ito ang ikapitong team ni Telfair na diretsong pumasok sa NBA mula sa high school noong 2004.



Si Haddadi ay 7-foot-2 Iranian na ibinigay sa Toronto ng Memphis na bahagi ng trade na nagdala kay Rudy Gay sa Raptors. Lumaro si Haddadi ng 13 games lang ngayong season sa Memphis at nag-ave-rage ng 1.2 points at 1.8 rebounds.

 

Show comments