Popovich magko-coach ng West All-Stars

NEW YORK – Si San Antonio Spurs coach Gregg Popovich ang magmamando ng Western Conference All-Stars sa ikatlong pagkakataon sa kanyang career.

Nakuha ni Popovich ang karapatang mag-coach ng West nang igupo ng San Antonio ang Charlotte, 102-78 nitong Miyerkules para makasiguro ang Spurs (37-11, .771)  na sila ang magkakaroon ng best record sa West pagkatapos ng mga laro hanggang sa Linggo.

Hindi eligible si Scott Brooks  ng Oklahoma City sa All Stars dahil nag-coach na siya ng West team noong nakaraang taon. Inihatid ni Popovich, nasa kanyang ika-17th season bilang coach ng San Antonio, ang Spurs sa apat na NBA championships.  Nag-coach siya ng West All-Stars noong 2005 at 2011.

Ang All-Star Game ay lalaruin sa Toyota Center sa Houston sa Feb. 17.

 

Show comments