Panibagong pag-asa sa sports sa 2013

Sa pagtatapos ng taong 2012, marami tayong ba­bauning masasayang alaala ng malalaking tagumpay ngunit mayroon ding mapapait na kabiguan.

Masaya nating aalalahanin ang karangalang inihatid nina Nonito Donaire, Jr. at ni Brian Viloria.

Ang five-peat title ni Norman Black sa Ateneo.

Ang matamis na tagumpay ng Rain Or Shine sa PBA. Ang three-peat ng San Beda sa NCAA.

Ngunit magmamarka sa atin ang pait ng kabiguang nalasap ni Manny Pacquiao kontra kay Timothy Bradley, Jr., lalo na ang kanyang pagkaka-knockout la­ban kay Juan Manuel Marquez.

Ang pagkabigo ng Philippine Azkals sa kanilang kampanya sa AFF Suzuki Cup.

Ang bigong kampanya ng Pinas sa 2012 London Olympics sa London.

Hindi rin mawawala ang iba’t ibang kontrobersiya na hindi na natin dapat pang pag-usapan.

Pagpasok ng panibagong taon, ito ay panibagong pag-asa para sa ating lahat.

Panibagong pag-asa sa Philippine Sports.

Pagkakataong makabangon si Pacquiao para mu-ling makabalik sa tugatog ng pedestal na dati niyang kinalalagyan.

Pagkakataon para sa Ateneo at San Beda na ipag­patuloy ang kanilang dominasyon sa UAAP at NCAA.

Pagkakataon ng Azkals na makabangong muli.

Pagkakataon para makapagsimulang muli ang Phi­­lip­pine Sports Commission at Philippine Olympic Com­mittee na makapag-produce ng mga atletang ma­kakapagbigay sa bansa ng mga gintong medalya sa iba’t ibang international tournaments.

Panibagong taon para sa ating lahat para muling maging Proud to be Pinoy!!!!

Happy New Year sa inyong lahat.

Show comments