NBA news-NBA: news Wolves hindi nakikipag-usap sa Lakers para makuha si Gasol

MINNEAPOLIS– Matagal nang interesado ang Minnesota Timberwolves kay Pau Gasol.

Ngayong nahihirapan si Gasol na magamayan ang sistema sa opensa ng bagong Lakers coach na si Mike D’Antoni, tila napapanahon para magnegosasyon uli ang dalawang teams.

Ngunit hindi ito ang nangyayari.

‘’There’s absolutely nothing imminent that we’re working on,’’ sabi ni Timberwolves President David Kahn nitong Biyernes.

Nagpatawag si Kahn ng impromptu news conference pagkatapos ng shootaround bago ang laban ng Minnesota kontra sa Cleveland Cavaliers.

Nagkomento siya tungkol sa mga ulat nagsasabing may alok ang Minnesota sa Lakers na kinasasangkutan nina Derrick Williams at Nikola Pekovic para makuha si Gasol.

“I can assure you there have been absolutely no discussions with that team since last June,’’ sabi ni Kahn.

 

Show comments