Marion napuwersa ang tuhod

DALLAS – Hindi makakalaro si Mavericks forward Shawn Marion ng hindi bababa sa tatlong games dahil sa napuwersang litid sa kaliwang tuhod.

Ayon sa pahayag ng team noong Martes, ang four-time All-Star ay hindi pinalaro nitong Miyerkules sa kanilang home-game  at hindi makakasama sa two-game trip sa New York at Charlotte.


Ang 34-gulang na si Marion ay irere-evaluated sa susunod na linggo. Napuwersa ang kanyang kaliwang medial collateral ligament sa third quarter ng 114-91 panalo ng Mavericks kontra sa Portland noong Lunes.

Si Marion ay nag-a-average ng 8.0 points at 9.0 rebounds sa apat na games ngayong season.

 

Show comments