Apple pangontra sa hangover
BURP - Koko (Pang-masa) - December 26, 2019 - 12:00am

Kung mantika kayo matulog at mahirap magiging sa umaga pero kailangang pumasok sa trabaho malamang na ang una ninyong maiisip ay ang uminom ng kape.

Pero sa mga taong hindi mahilig sa kape, may alternatibo para hindi na kayo uminom ng mapait na inuming ito.

Kumain lang kayo ng mansanas. Oo, dahil bukod sa sabi ng kasabihang “An apple a day keeps the doctor away” ay mabisa rin itong panggising sa umaga. Ito’y dahil sa mataas na level ng fructose ng prutas.

Alam niyo ba na ang pagkain ng mansanas ay isa rin sa mabisang pangontra sa hangover?

Malamang na marami sa inyo ang nakararanas ng hangover dahil sa sunud-sunod na inuman dahil nga Christmas time.

Dahil sa taglay nitong antioxidants, fruit sugars at minerals tulad ng magnesium, tumutulong ito para sa natural detoxification process ng ating katawan.

Kaya kung ayaw n’yo ng kape na pampagising ay kumain na lang kayo ng mansanas sa umaga at sigruadong gising kayo at magiging malusog pa kayo.

APPLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with