^

Para Malibang

Zombie Family (278)

Gilda Olividado - Pang-masa

PARANG biniyak ang puso ni Herman.

Kita niya ang mga body parts na tinamaan ng mga malalaking pakpak at mga matatalas na kuko.

Kinalmot, tinusok, may mga laman na dinaklot at basta itinapon ng flying zombie.

“Hindiiii! Tumigil kaaaa!” Napasigaw si Herman.

Pero hindi tumigil ang flying zombie.

At hindi rin umiwas ang mga body parts sa dadaanan nito papunta sa kanya.

Hindi rin lumaban. Nagtangkang takpan ng mga kamay ang kanilang mukha, leeg, ibang bahagi ng katawan.

Na very deadly kapag natusok ng mga mahahabang kuko ng flying zombie. Ang laman ng anumang bahagi ng katawan kapag nadaklot ng ilang daliri ay parang malambot lang na bagay na kinurot at natangay.

Narinig ng mga anak ang ingay, ang sigaw ng ama.

Nagising sa kanilang tirahan/kulungan.

“Kuya, bakit sumisi­gaw si Daddy? Ano’ng nang­yayari?”“Pinipilit ko ngang silipin, e. Pero nahaharangan ng mga tanim. Hindi ko alam bakit, parang takot na takot si Daddy.”

“Baka may nananakit, may panganib sa kanya?”

“Ang mga body parts kaya? Baka biglang nagbago sila, hindi na mababait. Baka tulad ni Mommy noon, pumapatay at kumakain! Baka sinasaktan nila si Daddy!”

“Lagot sila sa akin kapag may nangyari kay Daddy!”

“Kuya, dapat makalabas tayo dito! Para matulungan si Daddy. Mga body parts tiyak ang may kagagawan, sino pa? Wala namang ibang nandidito sa isla kundi tayo at sila!”

“And of course, Daddy!”

“Pero si Daddy nga ang sumisigaw hanggang ngayon so obviously siya ang ginagawan nang masama.”

Tatlong body parts na lang ang nakaharang at makukuha na ng flying zombie si Herman, madadaklot na ito at makakain.

Nakabawi na si Herman.

Hindi na siya papayag na mauubos ng flying zombie ang mga body parts na nakaharang sa kanya.

Kaya dumaklot siya ng maraming buhangin at isinaboy ito sa mukha ng flying zombie.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with