Mental Health na benepisyo ng exercise
MOVE ON NA TEH! - Miss Violet (Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

Alam nang lahat na ang exercise ay maganda sa katawan. Pero alam n’yo bang epek­tibo rin ito sa pag-deal ng depression, anxiety, stress, at iba pa?

Maraming mental health na benepisyo ang pag-ehersisyo. Napatunayan na ang exercise ay nagpapaganda ng physical health, nagkakaroon ng porma ang physique, nati-trim ang waistline, nagpapa-improve ng sex life, at nagpapadagdag ng taon sa ating buhay. Pero hindi ito ang nagbibigay ng motibo para manati­ling active.

Ang mga taong regu­lar na nag-eehersisyo ay mas nagkakaroon ng pagpapaha­laga sa kanyang pagkatao. Mas nagiging energetic maghapon, sumasarap ang tulog sa gabi, nagi­ging matalas ang memories, at mas positibo sa kanilang buhay.

Ang regular na exercise ay nagkakaroon ng positibong impact sa depression, anxiety, ADHD, at nagbo-boost ng overall na mood.

Hindi kailangang maging fitness fanatic para umani ng mga magandang benepisyo. Ang sapat na banayad na exercise ay puwedeng magkaroon nang ma­laking pagbabago. Kahit ano pang edad o fitness level, maaaring matutunan na magagamit na exercise bilang powerful na tool upang gumanda ang pakiramdam.

MENTAL HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with