Zombie Family (238)
Gilda Olividado (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

PAGDAAN ni Nikolai sa tapat ng navy ship, nasagap ng radar ang kanyang signal.

“Sir, may intruder!”

“Kaya mong i-scan?”

“Heto, I’m scanning it.”

Pero inaasahan na ito ni Nikolai. Agad niyang pinatay ang high tech na aquatic na sasakyan.

Tiniyak niyang habang patay, nakapirmi lang ito sa bahagi na iyon ng dagat na kanyang mababalikan.

Saka siya lumangoy papunta  sa isla.

Dito niya kailangan ang matinding lakas, stamina. Me­ron nga siyang oxygen tank na kasing-liit lang ng family size na soft drink pero kailangan niya itong tipirin.

Para hindi siya maubusan hanggang sa makara­ting siya sa isla.

NAGTAKA naman ang nag-ii-scan.

“Nawala na ang signal niya, Sir.”

“Sigurado ka bang may na-detect ka?”

“Yes, Sir. Heto, o. Naka-record naman.”

“Ano kaya ‘yon? O ... sino?”

“Wala naman sigurong may kayang dumaan diyan, Sir ... kung ordinaryong tao lang.”

“Pero may magnetic detection.”

“Baka naman gadget lang o equipment na walang tao. Baka nalaglag mula sa eroplano o ibang barko, Sir.”

“Really?” Ayaw maniwala ng navy officer.

“Wala po akong maisip na tamang explanation. Imposible ho kasi na tao ang nagdala ng signal diyan sa ganyan kalalim na tubig.”

“Alright. But still make a report of it. Mahirap na, baka masisi pa tayo. Ganyang mainit ang ulo ng head natin, tayo ang malilintikan.”

“Noted, Sir.”

KAHIT siya ay malakas muntik nang sumuko si Nikolai.

Munti nang ikamatay ang pagtatangkang maayos ang relasyon nila ni Laurice.

Kahit may oxygen, ang lakas niya ang gustong bumigay.

Pero ayaw niyang sumuko. Matibay siya. Ngayon lang kasi siya nagmahal. At ayaw niyang isuko ang pagmamahal na ito.

Pero makakaya pa nga ba niya?

Paano ang ibang panganib sa ilalim ng dagat? May nakita siyang pating!

Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with