^

Para Malibang

Zombie Family (160)

Gilda Olvidado - Pang-masa

INILIBING pala ni Marga ang sarili sa buhangin. At ngayon, lumabas na siya. Gutom. Galit.

Hindi niya nakikita si Herman. Hindi siya makapunta sa malinis na gubat para  sundan ang kalaguyo.

At ngayon ay naaa­moy niya ang mga pagkain.

Mabilis siyang nagla­lakad patungo sa mga tents ng mga sundalo.

Nararamdaman nina Herman at ng head ng task force ang panganib.

“Wake up! Wake up! We will be attacked soon! The zombie is coming!” Sigaw ng head sa kanyang mga tauhan.

Nagising agad ang lahat.

Ang mga bantay na umidlip, nagising ding bigla.

Agad nilang nakita ang parang robot na zombie na naglalakad patungo sa kanila.

“Jesus Christ! She is coming! Ang bilis niya!”

“Aim! Aim!”

Nag-aim agad ang pinakamalapit.

Amoy niya ang sobrang kabahuan ng zombie. Nakakasulasok. Nakakahilo.

Na-distract siya sa pagtarget dito.

Ang bilis din kasi. Parang ang hirap matamaan.

At horrified ang sundalo kahit pa sharp shooter siya.

Dahil matalino ang zombie. Habang nagla­lakad nang tila robot na mabilis, alam nitong nag-i-aim na ang sundalo.

Kaya ang ginawa ng zombie ay nagpaekis-ekis ng lakad.

Pakaliwa, pakanan.

Binabaril na ito ng unang sundalo pero hindi ito makatama dahil sa taktika ng zombie.

Bago pa nakatakbo ang sundalo, nahablot na ni Marga ang leeg niya. At kinagat kaagad ang kanyang mukha.

Sobrang sakit.

Ang tanging nagawa ng sundalo ay mapasigaw … habang hindi pa nakakain ng zombie ang kanyang bibig.

Pero ilang saglit lang, bibig na niya ang nginangasab ni Marga. Malalaki, mabibilis na pagkagat.

Natataranta ang pa­ngalawang bantay na nagising na rin. Kita niya ang kasama, mauubos na ang ulo. ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with