Simbolo ng roses sa buong mundo

Ang roses ang pinakamakahulugang bulaklak sa buong mundo, pero depende kung nasaang lupalok ka ng bansa.

Sa Vietnam, kapag ibinigay ito sa indibidwal na isang pirasong rose, sinasabing in love ka sa taong pinag-abutan nito. Sa Brazil, sa halip na single rose, gawing 12 roses na simbolo ng passion.

Sa Italy, isang kumpol ng red roses na sikat bilang kumakatawan ng masidhing pagmamahal, pero ibig sabihin din ng matinding tagumpay. Sa Korea, ang roses ay mas less romantic ang epekto.

Mas ibinibigay ang mga roses kapag ang indibidwal ay tumuntong na sa ika-20th birthday nito na katumbas ng 12 roses din.

Ang roses ay hindi lang puro tinik at kulay, kundi sumisimbolo ng kalinisan at pagmamahal sa pagbibigay sa iyong tinatangi.

Show comments