Ate nahuhuli na sa biyahe
(Pang-masa) - May 24, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nababagot na ako sa buhay. Maganda nga ako wala nang nakikinabang sa alindog ko. Gusto ko na pong mag-asawa kahit lampas na ako sa kalendaryo.

Ang problema ay pinag-aaral ko pa ang dalawa kong kapatid na inunahan pa akong magkadjowa. Bakit ba kasi komo panganay ay dapat kong pasanin ang responsibilidad ng dalawang kapatid ko.

Hindi  naman sa nagrereklamo ako, pero sana man lang magkaroon sila ng konsuwelo na unahin ang studies nila kaysa mag-boyfriend. Paano ba ako magkaka-love life eh wala ngang ganap sa buhay ko dahil  busy ako sa  katatrabaho kaysa makipag-date sa mga manliligaw ko. Ano ba ang gagawin ko eh nahuhuli na ako sa biyahe? -  Super Inday

Dear Super Inday,

Paligayahin mo rin ang sarili at unahin mahalin ang ang sarili bago ang iba. Dahil pagkatapos ng mga kapatid mong mag-aral maiiwan ka lang din mag-isa sa buhay.

Kung kaya mo naman balansihin ang work at love life aba go. Payuhan din ang mga kapatid na mas i-priority ang kanilang studies lalo ikaw ang nagpapaaral.

May karapatan kang magbigay ng rules na walang BF hanggang hindi pa tapos sa kanilang studies. Para  rin sa kanilang future at ikasisiya ng buong pamilya kung lahat ay nagtutulungan upang maiahon ang sarili sa kahirapan.

Sumasainyo,

Vanezza

BIYAHE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with