Ari ng binatilyo, kinailangan lagariin matapos ipasok sa isang tubo!

Kinailangang lagariin ang ari ng isang teenager na na-stuck diumano sa isang toilet pipe.

Nakaramdam ng init ng katawan ang 16-year-old na lalaki at naisipang ipasok ang kanyang sandata sa isang tubo sa kanilang tahanan sa Malaysia, pero habang nasa kalagitnaan na ng kanyang ginagawa, namaga raw ang maselang parte nito, dahilan para hindi niya ito maialis.

Sinubukan ng biktima na lutasin nang mag-isa ang kanyang problema, pero pagkatapos ng ilang oras, hindi na niya kinaya at humingi na rin siya ng saklolo sa mga kasama niya sa bahay. Doon lamang tumawag ng emergency services ang mga ito.

“The metal pipe is about six inches in length with a [thickness] of 5 millimetres, and is no longer used. The firemen had to cut the pipe first,” pagbabahagi ni Senior Fire Officer Seniman Idris ng Tangkak Fire and Rescue Station.

Nagdala ang mga rescuer ng lagari na kayang makaputol ng bakal na siya nilang ginamit sa pagliligtas sa binatilyo, pero ang ari nito ay nanatili pa ring nakaipit sa loob kaya napilitan silang tanggalin na ang buong tubo na may laki na 30mm wide at isama na rin habang sinusugod siya sa ospital.

Maghahating-gabi na nang matanggal ng mga doktor ang ari ng binatilyo sa pagkakaipit.

Samantala, inabisuhan naman ang mga residente na takpan ang kanilang mga tubo upang hindi na maulit pa ang ganoong pangyayari.

‘’The case was resolved with the expertise of the hospital and the victim was stable.

“The incident caused his privates to be swollen, but he only had minor injuries,” dagdag pa ni Fire chief Seniman Idris.

Show comments