^

Para Malibang

Zombie Family (54)

Gilda Olividado - Pang-masa

HINDI makatigil sa pagsusuka at pagduduwal si Laurice. Habang umiiyak. Lumapit kaagad si Herman, iniwan si Marga.

Halos hubo’t hubad na si Herman dahil nga malapit na sanang makikipagtalik kay Marga.

“Laurice, bakit ka ba nandidito?!!”

“H-hayup ka! Zombie ka na rin ba? Napaka­sagwa, nakakadiri kaaaaa!”

“Laurice, magpapaliwanag ako …”

“Bakit pa? Para ano?!! Nakita ko nang hindi ka tao! Kaya naman pala hindi ka na umuuwi sa atin, wala ka na ngang karapatang umuwi sa atin! At kalilimutan na kita! Kalilimutnan ka na rin ng mga anak mo! Iuutos ko sa kanila na ni huwag ka nang alalahanin!” At tumakbo na para makalabas sa kuweba.

Naiyak si Herman sa kahihiyan. Kung puwede nga lang bang mamatay na. Hindi niya kailanman nai-imagine ang ganito.

Pero tama ba ang kanyang legal wife? Na hindi na nga siya tao? Nakikipag-lovemaking siya sa zombie, tao pa ba ‘yon?

Paano kung ginagawa niya ito dahil gusto na rin pala niya? Kung nakasanayan na rin niya at hinahanap-hanap na rin ng kanyang katawan?

Malungkot siyang mapapatingin sana kay Marga. Pero hindi na niya ito nakikita.

Wala na si Marga sa kuweba.

Sumunod ito kay Laurice sa labas?

“H-hindi! Marga! Marga, huwag mong sasaktan si Laurice!”

NAGTATATAKBO si Laurice palayo sa kuweba. Umiiyak. Sumisigaw. Hindi pa rin nakakabawi sa shocking na nakita.

At sa kanyang natuklasan na ang kanyang asawa ay nagtataksil sa isang nakakadiring zombie.

Takbo pa rin nang takbo si Laurice. Hanggang sa bumigay na ang mga tuhod. Hanggang sa lumagpak na lang sa lupa na humahagulhol.

Hindi na yata siya makabangon dahil sa exhaustion. Pagod sa pagtakbo. Pagod sa kanyang mga emosyon.

“Ano’ng nangyari sa atin, Herman? Anooo? Sana namatay ka na lang dahil mas madali pang matanggap ‘yon!” Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with