Pagpasan ng krus sa buhay

Sabi sa Bible ay itinuturo na pasanin ang krus at maging disciple ng Panginoon. Madalas ay hindi natin pinag-uusapan ang pagpasan ng sarili nating krus sa buhay. Mas maganda ito bilang simbolo na tagapagsunod tayo ng Panginoong Hesukristo na hindi natin kailangang ipalandakan na ipag-advertise pa  ang hinaharap na problema at isyu sa buhay.

Ang krus ay hindi popular na alahas, pero ang pagiging Kristiyano ay simbolo ng paghihirap at pagsasakripisyo. Ito ay krus na dapat na pasanin na tiyak na may pait, sakit, at halaga. Habang buhay ay dapat magpatuloy na pasanin ang bigat ng krus. Ano ba ang katumbas ng krus sa buhay gaya ng chronic health issue na physical man o emosyonal. Pagtalikod sa kasikatan, prestige, o popularity? Pag-give up ng material na kayamanan, financial security, pag-iwas sa maluhong lifestyle? Paglaho ng pangarap? Nawasak na pamilya? O pagtataksil ng asawa o kaibigan?

Ang pagpasan ng krus ay kailangang magpokus sa Panginoon upang gumaan ang bigat. O sa paraan ng mundo na nakamamatay ang pagpasan sa dagok ng buhay.

Show comments