Brand new na tiles

Hindi kailangang gumastos ng malaking ha­laga upang mag-update ng inyong bahay. Kung walang budget pero gustong ibahin ang disenyo o kulay ng kabahayan ay maraming paraan na hindi kailangan mabutas ang bulsa.

Tulad ng pag-repaint ng tiles. Hindi lang sa banyo at sahig ginagamit ang tiles, maganda rin ito sa mga countertop sa kusina. Pero kung luma na ay hindi na ito magandang tingnan dahil sa kupas na ang kulay.  Ang good news ay  puwede itong pinturahan kaysa palitan ng granite na mahal.

Sa pagpintura ng tile, maaaring gumamit ng Homax Tub & Sink Refinishing Kit na mabibili online o Home Depot. Epoxy ito kaya kaila­ngan nang matinding pag-iingat kung gagamitin. Kailangang naka-gloves, mask, at goggles para maprotektahan ang sarili. Madali lang itong gamitin base sa instructions.

Konting kembot lang ay brand new uli ang iyong kusina sa sim­pleng pagpipintura.

Show comments