Kilalanin si mister sa pamamagitan ni misis

Ang tagumpay ng pamilya ay hindi lang basta nangyayari. Ang bawat asawa at magulang ay kailangang mayroong commitment, sakripisyo, at pagbibigay ng mahalagang oras para sa pamilya.

Gaya ng demand ng mga misis kay mister na kailangang maglaan ng oras para sa pamilya kahit isang beses sa isang linggo.

Kung gustong malaman kung anong klase ng character si mister, kailangan lang gawin ay tingnan ang mukha ng kanyang misis. Lahat nang na-invest o pinagkakait ng haligi ng tahanan ay makikita agad sa itsura ng kanyang maybahay.

Maaaring ang tatay ay isang matagumpay na head coach, empleyado, o negosyante. Pero ang kanyang mga achievement ay mayroong kabayaran. Sa loob ng ilang taon ay nawawalan si tatay ng oras at energy para sa kanyang misis at kanilang mga anak. Hanggang napapabayaan ang pamilya. Hindi naman kailangang mag-resign sa trabaho, kundi mag-set ng oras para sa kanyang maybahay at pamilya.

Bilang asawang lalaki, pasan nito ang bigat ng responsibilidad para sa kapa­kanan ni misis pati na rin ang emosyonal na aspeto ng asawa.

Paano mo ba pinagmamasdan ang mukha ni misis tuwing gabi?

Show comments