^

Para Malibang

15 career boosters

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Para maging good luck sa career:

1--Magsabit ng wind chime (6-metal rod) sa labas ng main door upang pumasok sa tahanan ang magagandang opportunity or promotion.

2--Magsabit ng bandila sa loob ng bakuran. Nagdadala ito ng suwerte.

3--Maglagay sa bakuran ng birdbath or feeder para maka-attract ng wildlife. Nakakatulong ang mga ibon at iba pang hayop para dumami ang good energy sa paligid ng buhay.

4--Dapat ay malinaw na nababasa sa kalye umaga man o gabi ang house number.

5—Linisin ang bakuran. Hinaharangan ng kalat ang daloy ng energy na nagdadala ng suwerte sa buong kabahayan.

6--Gumamit ng welcome mat sa front door.

7--Maglagay ng water fountain or bubbler malapit sa front door upang dumaloy  ang  maraming pera.

8--Linisin ang drawers at closets.

9--Panatilihing nakabukas lagi ang pinto upang hindi maging limitado ang darating na oportunidad.

10--Limitahan lang ang gagamiting furniture dahil hindi makakaikot ang energy kung nagsisiksikan ang mga ito sa salas.

11--Siguraduhing umaandar ang lahat ng relong nakadispley sa bahay.

12--Gumamit ng masayang kulay sa working area dahil nakakapagpasigla ito ng isipan.

13--If possible lagyan ng ilaw ang walkway para maliwanag ang pagpasok sa bahay.

14--Magdispley ng mabangong bulaklak sa working table sa office dahil nakakatulong ang mabangong amoy para magkaroon ang isang tao ng magandang pananaw sa buhay.

15--Gumamit ng  blue or black na basahan sa front door upang dumaloy na parang tubig ang pera papasok sa inyong bahay. Ang blue o black ay kulay na sumisimbolo ng pera.

BOOSTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with