Katangian ng matagumpay na tao

Ang mga matagumpay na tao ay may ilang karaniwang characteristic upang sila ay hangaan nang lahat.

Tulad ng araw-araw niyang pagbabasa ng libro. Nagbibigay ng compliment. Ini-embrace ang pagbabago. Nagpapatawad ng ibang tao. Gustong pag-usapan ang mga ideas. Pa­tuloy na gustong mag-aral at matuto. Tinatanggap ang responsibilidad ng kanyang pagkakamali. Mayroong sense ng pasasalamat at pagpapakumbaba. Laging nagsi-set ng goals at nagde-develop ng mga plano para sa kanyang buhay.

Samantalang ang mga failure na tao ay araw-araw nanonood ng TV lang. Pa­nay ang pintas sa ibang tao. Takot sa pagbabago. Nagkikimkim ng galit.  Walang ibang gustong pag-usapan kundi ang tsismis at ibang tao. Nagmamarunong na alam na niya ang lahat ng bagay. Sinisisi ang kabiguan o pagkakamali sa ibang tao. Nagdi-demand ng title o papuri. At walang plano sa buhay kaya wala siyang sini-set na goals.

Show comments