Katangian ng matagumpay na tao
Ang mga matagumpay na tao ay may ilang karaniwang characteristic upang sila ay hangaan nang lahat.
Tulad ng araw-araw niyang pagbabasa ng libro. Nagbibigay ng compliment. Ini-embrace ang pagbabago. Nagpapatawad ng ibang tao. Gustong pag-usapan ang mga ideas. Patuloy na gustong mag-aral at matuto. Tinatanggap ang responsibilidad ng kanyang pagkakamali. Mayroong sense ng pasasalamat at pagpapakumbaba. Laging nagsi-set ng goals at nagde-develop ng mga plano para sa kanyang buhay.
Samantalang ang mga failure na tao ay araw-araw nanonood ng TV lang. Panay ang pintas sa ibang tao. Takot sa pagbabago. Nagkikimkim ng galit. Walang ibang gustong pag-usapan kundi ang tsismis at ibang tao. Nagmamarunong na alam na niya ang lahat ng bagay. Sinisisi ang kabiguan o pagkakamali sa ibang tao. Nagdi-demand ng title o papuri. At walang plano sa buhay kaya wala siyang sini-set na goals.
- Latest