^

Para Malibang

Lalaki minumulto ng batang nadaganan ng aparador

MRYOSO - Pang-masa

Pinagkaguluhan at tinutukan sa social media account na Twitter ang thread o kuwento ng isang lalaki tungkol sa kanyang lumang apartment.

Ayon sa binata, sa kanyang lumang apartment daw diumano ay may kakaiba siyang nararamdaman.

Napagpasyahan niyang magpalipat na lang ng apartment at sa pinaka taas na floor siya inilipat, ibaba lamang nito ang luma niyang unit.

Sa mga unang linggo, hindi na raw niya nararam­daman ang bigat tulad ng dati, hanggang isang gabi, nakarinig siya ng mga ingay sa kanyang kisame. May nakita siyang maliit na pinto sa taas nito. Nagtaka siya kung ano yun kaya binuksan niya ito at doon tumambad ang isang lumang sapatos ng bata at isang marble na laruan.

Nang makatulog siya kinagabihan, nanaginip siya ng isang batang lalaki na tapyas ang kanang parte ng ulo. Nagpakilala itong si Dear David. Namatay raw ito sa lugar na iyon dahil sa pagkakadagan sa kanya ng natumbang aparador. Tumama ito sa ulo niya kaya ito natapyasan.

Sinubukang kunan ng lalaki ang bata pero panaginip lamang iyon. Nang magising siya kinabukasan, laking gulat niya nang tumambad sa  cell phone niya ang malabong imahe ng isang batang tapyas ang ulo. Hindi pala siya nananaginip, totoo pala si Dear David.

vuukle comment

APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with