Elephant Trunk Snake
(Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

Na-shocked ang isang pamilya sa bansang Malaysia nang may biglang lumabas na misteryosong hayop mula sa kanilang inidoro.

Maihahalintulad ang misteryosong hayop sa isang higanteng linta.

Ayon sa pamil­ya, matagal nang naninirahan ang nasabing hayop sa tubo sa ilalim ng kanilang tahanan at malamang ay wala na itong makain kaya lumabas at naghanap ng hangin. Mukha itong ahas, pero mas malapad ang katawan.

Agad na pinakawalan ang hayop na may bigat na 20kg sa kalapit na canal.

Pagkatapos mag-viral ang video, ilan sa mga ekspertong nakapanood nito ang nagkumpirma na isa nga itong klase ng ahas, isang elephant trunk snake na malapad nga at lawlaw ang balat kumpara sa pangkaraniwang ahas na ating nakikita. Ayon pa sa kanila, malamang ay naubos na ang mga daga na kinakain ng ahas sa mga tubo kaya ito napilitang lumabas.

Kabilang ang elephant trunk snake sa non-venomous aquatic snake. Matatagpuan ito sa tubig-tabang sa Indonesia, Malaysia, Thailand, Cambodia, at Vietnam.

Ang ahas na ito ay madalas din hulihin dahil sa kakaiba nitong balat na mahal ang bentahan. Bukod dito ay binibenta rin ang laman nito dahil sa kakaibang lasa.

Ganun pa man, marami pa rin ang bilang ng elephant trunk snake sa wild.

ELEPHANT TRUNK SNAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with