Pampakalma ng anxiety
Ang stress ay puwedeng physical, mental, emotional, o chemical in nature. Lahat na nai-encounter ay puwedeng pagmulan ng stress. May mga pagkain na puwedeng pangpakalma na epekto sa katawan.
Gaya ng beef at ibang pagkain na mayaman sa Vitamin B ay nakakalma ng anxiety. Sa research, may relasyon ang B vitamins kasama na ang thiamine o vitamin B1, at ang mood. Kapag kulang sa B vitamins gaya ng folic acid at B12 maaaring ma-trigger ang depression sa ibang tao. Puwedeng mag-take ng vitamin B supplement o kumain ng food na mayaman sa B vitamin para maibsan ang anxiety. Ang ibang pagkain tulad ng beef, pork, chicken, mabeberdeng gulay, legumes, oranges, o ibang citrus fruits, kanin, nuts, at itlog ay maaaring makatutulong bumababa ang anxiety.
- Latest
















