Mister Namamangka sa 2 Ilog

Dear Vanezza,

Dito po ako ngayon sa Maynila na nagtatrabaho. May pamilya ako sa probinsiya mahal ko po ang pamil­ya ko. Pero may gf po ako rito at mahal ko rin po siya. Ano po ang dapat ko gawin? Naguguluhan na po ako.

George

Dear George,

Nandiyan ang tukso lalo na’t malayo ka sa kanila. Pero hindi ito excuse ng pagkakaroon ng ibang babae na tiyak ay problema lamang. Putulin mo na ang ugnayan mo sa kanya. Kung patatagalin pa ay mahihirapan ka nang kumawala pa sa kanya. Malalagay sa peligro ang pagsasama ninyong mag-asawa pati na ang kinabukasan ng inyong mga anak. Imulat mo sana ang iyong isipan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments