^

Para Malibang

Paano maiiwasan ang stretch mark?

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang pagkabanat ng balat ay nagreresulta ng pagkapunit ng gitnang bahagi nito na siyang tinatawag stretch marks.

Ang dermis ay mayroong matibay at magkakaugnay na mga fibres dahilan upang mabanat ang balat kapag ito ay lumalaki ngunit sa mabilis na paglaki ng balat, ito ay maaaring ma-over-stretch at maputol ang mga fibres na nagreresulta nga sa stretch mark.

Kapag napunit ang dermis ay nagiging sanhi ito upang lumitaw sa outer layer ng balat ang blood vessels kaya ang kulay ng stretch marks ay pula o purple.

Kung ang blood vessels ay lumiit ang maputlang kulay na fat sa ilalim ng iyong balat ay lilitaw at ang stretch mark ay mapapalitan ng kulay silvery-white.

Kailan lumilitaw ang stretch marks?

Lumilitaw ang stretch marks sa panahon ng pag bubuntis, mabilis na pagtaas ng timbang, puberty at kapag may family history ng stretch marks at iba pa.

Upang maiwasan ang pagkalat nito, maglagay ng coconut oil o castor oil sa apektadong area, uminom ng maraming tubig, kumain ng balanseng diet (lalo na ang mga pagkaing sagana sa vitamins A, C, at E), at mag-ehersisyo araw-araw.

Kung kayo ay may seryosong problema sa stretch marks, mas makabubuti ang kumunsulta sa doctor.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with