Mursi Tribe sa Ethiopia
Kilala ang mga kababaihan na kabilang sa Mursi tribe mula sa Ethiopia sa kanilang kakaibang lip plates. Pero bukod dito, mayroon din silang iba pang beauty ideals na sinusunod.
Dinidekorasyonan nila ang kanilang ulo gamit ang sungay ng malalaking hayop at sinasamahan pa nila ito ng korona na gawa sa mga bulaklak. Bukod dito, pinipintahan din nila ang kanilang mukha.
Naunang ginawa ito para itigil ang pagkaalipin. Noong una kasi ay alipin ang tingin sa mga kababaihan ng Mursi tribe.
Isa itong act of protection na ngayon ay naging simbolo na ng katapangan, kagandahan at pagkilala sa nasabing mga kababaihan ng tribo.
- Latest