^

Para Malibang

Pangalawang Anino(265)

Gilda Olividado - Pang-masa

PARANG nababaliw sa galit ang pangalawang anino. “Bakit mo ako ginawang aninong serena?”

“Sabi mo gusto mo ang buhay mo dito?”

“Oo nga. Pero hindi permanente. At ayokong ma­ging sirena!”

“Tanga ka talaga. Kakaiba ka kaya dapat mong pasalamatan ang kapangyahihan ko kasi ginawa kitang ganyan.”

“Ibalik mo na ako sa dati! Iiwan na lang kita dito sa ilalim ng ilog, kanya-kanya na lang tayo tutal wala ka namang malasakit sa akin!”

“Drama ka pa! Hindi ka makakaalis dito. Sanayin mo na lang sarili mo na maging itim na sirena! Hahahahaaa!”

SI ARTURO ay halos hindi umaalis sa loob ng simbahan. Kapag walang misa, tinatabihan niya ang banga na ang laman ay mga pira-pirasong imaheng bato ni Nanette.

Naaawa na sa kanya ang pari. “Hindi talaga madali ang magmahal ...”

Napabuntong-hininga si Arturo, mapait na ngumiti. “How true. Father, ayoko naman na ang buhay ni Nanette ay nauubos sa kapakanan ng ibang tao. Alam n’yo bang may mga pangarap kami? Marami. Pero mula nang nanggaling siya sa bundok para maging banal, hindi ko na makita ang mga pangarap na ‘yon. Iba na ang priority niya.”

“Dahil delikado talaga ngayon ang panahon dahil kina Yawan at Yawanaya.”

“Hindi pala dapat umibig sa isang mortal ang mga banal.”

“Huwag mong sabihin ‘yan. May sinabi na ba sa iyo si Nanette na nagtatapos na ang pag-ibig ninyo?”

“Wala pa ho. Pero hindi naman kailangang sabihin pa niya ‘yon. Nararamdaman ko. Kaya minsan, umalis ako para hindi na sana babalik. Kaya lang, mahal ko talaga si Nanette, e.”

“Sundin mo na lang ang puso mo, Arturo. Dahil ang puso, hindi kailanman nagkakamali. Gaano man kahirap at kasakit ang umibig, pag-ibig pa rin ang dapat pakikinggan.”

Napayuko na lang si Arturo.

Dahil totoo ang sinabi ng pari.

Mas hindi niya makakayanan ang malayo kay Nanette.

His only choice is to be with her. Kahit pa marami na rin siyang nagawang pagkakamali sa pag-ibig nila ni Nanette.

Kahit pa hindi niya makayang tiyakin na kapag sinubukan siya uli ni Yawan na tuksuhin ay hindi niya malalabanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with