Baby’s bestfriend

Dumanas ng pagmamaltrato ang asong si Nora (isang English Pointer) sa kamay ng kanyang naunang amo bago ito napunta sa kanyang bagong pamiya na si Elizabeth at asawa nito.

Pero kahit dumaan si Nora sa mga pang-aabuso, mapapansing malambing at tahimik pa rin siya. Masunurin din ito at kahit kailan ay hindi nagpakita ng pagiging agresibo. Kaya nga lang, piling-pili ang mga taong kanyang nakakasundo. Hindi rin daw ito p­alakaibigan sa kapwa aso.

Dumating ang oras na nanganak na rin si Elizabeth at doon na niya napansin na parang nagiging magiliw si Nora sa kanyang baby na si Archie.

May kakaibang ‘bond’ daw ang dalawa at bagama’t wala pang isang taon, napapansin din daw niyang parang naiintindihan ni Archie si Nora.

Ayon kay Elizabeth, parang mag-bestfriend kung magturingan sina Archie at Nora na hanggang sa pagtulog ay hindi naghihiwalay.

Show comments