‘Dark Side’ Personality

Last Part

SCORPIO: Hindi marunong maglambing sa karelasyon. Malamig pa sa yelo ang puso. Ang ugali niya ay mahirap intindihin.

SAGITTARIUS: Mabilis magpatawad. Kung tutuusin ay positibong ugali kaya lang nagiging dahilan para siya abusuhin ng mga tao sa kanyang paligid. Nagiging paulit-ulit na lang ang paggawa sa kanya ng kasalanan dahil kaunting iyak lang ng nagkasala, si Sagittarian ay magpapatawad na. Minsan, kailangan din maglabas ng pangil upang irespeto ka ng ibang tao.

CAPRICORN: Nagkukunwaring masaya kahit nalulunod na sa kalungkutan. Kasi ayaw niyang humingi ng tulong sa ibang tao. Isa pa, ayaw niyang mabisto na malungkot siya. Mataas ang pride.

AQUARIUS: May pakiramdam siya na ma­galing siyang magdesisyon. Kaya kapag pumalpak, hindi niya aaminin na nagkamali siya. May ituturo siyang tao o pangyayari na dahilan ng kabiguan. Kahit pilipitin mo ang leeg niya, hindi aamining nagkamali siya.

PISCES: Kahit anong mangyaring masama, wala siyang kasalanan. Natanggal sa trabaho, wala siyang kasalanan. Hiniwalayan ng karelasyon, wala siyang kasalanan. Nakaaway ang kapitbahay, wala siyang kasalanan. Pakiramdam niya ay lagi siya ang biktima.

Show comments